Distractions

time-scar-img

I don’t know why pero super restless ko these days. Bakit ba kasi napakadaming distractions sa mundo!? Lagi na lang ako natetempt na gumawa ng ibang bagay, at after that, hindi ko na namamalayan ang oras. Nakakabanas na kasi eh. Ilang beses ko na sinasabi sa sarili ko na dapat huminto na ako sa ganitong oras dahil may gagawin pa ako, pero lagi ko na lang isinasantabi. Naiinis na ako sa computer, sa internet, sa lahat, miski sa anime. Imbis na maasikaso ko ang school work ko, lagi na lang silang nag-iintervene.

Malala na to, naiinis na ako. Hindi naman ako ganito dati, kapag may sinulat akong gagawin, ginagawa ko talaga. Naku naman, time management na naman siguro. Sarili ko rin niloloko ko ng lagay kong to e… Therefore, I swear it, I’ll go hiatus again sa anime blog ko. Masyado na naman akong naabsorb sa escape route ko eh, mamaya mapabayaan ko na talaga ang lahat…

Hindi ko alam kung bakit pero, ang pumapasok sa isip ko these days ay magsulat ng nobela. Lol, napaka ambisyoso ko no! :) ) . Nevermind, napapagod na nga ako mag-isip ng plot, at matinong setting eh, pero I won’t give up. One of these days, makakaisip din siguro ako ng aking ideal story to tell sa iba. Hahaha… Wahhh. bakit parang kung kailan na ako nagmamajor eh kung kelan pa ako parang nagkaka-change of heart / na-wowore out sa college…

Oh well. Ayoko na talaga mag procrastinate… as in… OO AS IN talaga kaya tama na tong entry na to.

New Look and Various Updates…

1762693I finally decided to settle with this new layout, much simpler and cleaner.

I don’t know pero parang hindi na ganoon na ka-active mag-isip yung mind ko about writing things about anime— pero when you think about it, medyo trashy kasi yung posts ko nun eh. probably hanggang ngayon naman, pero, siguro, magsusulat na lang ako ng entry from now on, kapag talagang may motivation at talagang alam ko yung gusto kong iparating sa readers. Nakakatanga nga yung iba kong posts dati eh, siguro during the previous year. Natatawa na lang ako kapag binabasa ko kasi parang wala naman “content” yung sinulat ko. Well, I hope during this past blogging years, I did improved my writing skills kahit na alam kong mali mali pa rin ang grammar at syntax ko.

Maybe I’ll stay here na naman nowadays. Nakakadepress yung subjects ko this term eh, Oo, majors na ako, at  medyo na-ooverwhelm lang naman ako, pero that’s all. Okay— Sige, bukas pasukan na naman, I hope everyone’s fine dahil sa bagyo.

Also, Facebook’s boring na rin for me. Isa lang ginagawa ko dun eh, mag mafia wars, pero even that napapabayaan ko na. Sira rin ang cellphone ko, actually the battery lang pero, Gipit talaga eh so ayaw ko magpabigat, kahit sa graduation na lang! hahahaha.

Hindi ko alam kung bakit my mind tends to wander these days? Dahil ba malapit na mag-Pasko? Never naman ako naging excited eh, medyo naloloko lang ako mag-isip kung anung ipopost ko sa Temporal Vortex during that period… Christmas and Anime huh, okay whatever comes into my mind.

Let’s just give it our best, —